Hindi ako mahilig
magsulat, at mas lalong walang alam kung paano sisimulan ang storyang hindi ko
masyadong natatandaan kung paano umusbong. Nakakatawa, I should have known it,
kung alam ko lang na magsusulat ako ng kakornihan sa buhay sinimulan ko na sana
nung una pa.
My experience will
never be new to you. You may possibly be hearing the same story with your
friends, or friends’ friend. Kay sana h’wag nyo akong husgahan upon sharing
this…
It started when I
decided to go abroad, kasagsagan ng kahirapan ng panahong yun. I have two kids,
my wife and I rented in an apartment na medyo costly and as a man I ought to
give food, shelter, clothing and education to my family. Mahirap maging sole
bread winner sa pamilya; mahirap maging lalaki. Pero dahil pinalaki akong
maging responsable, kaya kahit mahirap man pinatunayan ko na kaya ko.
Every man wants to have
a convenient living for their family, at isa ako dun. Pero dahil hindi nga ako
pinanganak na mayaman, kaya ko nalang tinikis at pinasyahang mangibang bayan –
para kanino pa ba’t ginawa ko to. Para
sa pamilya.
To cut it shorter,
nangibang bayan nga ako. Mahirap, malungkot, nakakatakot nung una, dalawa at
tatlong buwan. Hindi ko gaanong kakilala ang mga tao, hindi ko maintindihan ang
lingwahe ng mga tao. Puro sariling kayod, walang asawang maghahain, walang anak
na hahalik, walang lasa ang pagkain. Pero kinaya ko lahat dahil desidido akong
maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Kulang dose oras ang trabaho, bawal ang
mataas na pahinga.
Six months later, nakapag-adjust
rin ako. May routine na ang araw-araw na gawain, may nakakausap narin na mga
kaibigan. Pagnamimiss ang family, isang phone call lang at napapatawa na ako,
nagiging light lahat agad ng mga trabaho.
Mabilis lumipas ang
dalawang taon, umuwi ako at nagsimulang magtayo ng bahay. Hindi pa ako
nakontento, siguro nga parte ng personalidad ng tao kadalasan ang hindi makontento.
Bumalik na naman ako sa ibang bansa. Minsan mas nauuna ang pangangailangan sa
pera kaya’t hindi ko nalang namamalayan na unti-unti ng lumalaki ang mga anak
ko. Nabibigyan ko nga ng mas maginhawang buhay pero parang kulang, parang hindi
ko nakikita ang paglaki nila, pag-uugali, hindi na ako ang nagdidisiplina.
Dumating ang mga araw
na naging madalang ang komunikasyon namin ng asawa ko, mas naging marami ang
mga kaibigan – alam nyo na siguro ang kasunod, maraming temptasyon. Dati rati
hindi ako tinatamaan nito, pero sa ikalawang balik ko parang medyo nadadala na
ako. Pilit kong tinatama ang maling konseptong bumabalot pero matagal pa bago
ako makakauwi. Hindi naglaon natamaan na talaga.
Minsan napasama ako sa
gimmick ng mga kaibigan, may ipinakilalang pinay, may asawa rin. Hindi ako
nanligaw basta nagkaintindihan nalang at nangyari nga. Hindi ko inaasahang magagawa kong magloko sa asawa ko
pero dumating sa puntong napasubo ako. Nakokonsensya ako, kahit na yong naging
kerida ko pero sabi nga sanayan lang yan. Hindi mabubuking kung walang
magsasalita.
Nakakapangilabot pero
naging ahas ako sa marriage ko. Alam kong mali pero nahihirapan na akong itama.
Parang naging bisyo rin yon saken nung mga panahon na yon. Hindi ko namamalayan na mas lalo na akong lumalayo
sa pamilya ko. Hanggang dumating pa sa punto na naiinis na ako pagtinatawagan
ako ng asawa ko para kumustahin, nakakainis dahil nakakakonsensya.
Lumalim pa ang samahan
ko sa isa, naging maasikaso kasi sya at marunong din umalaga, natutugunan nya
rin ang mga pangangailangan ko. Naging payak ang isipan ko, masyadong
makamundo.
Isang araw hindi ko
alam kung panu nalaman ng misis ko ang kalokohan ko, basta nalaman niya narin
lang. Alam nya kung kailan ako nagsisinungaling at kung kalian hindi. Sa
pag-uwi ko wala na akong pamilyang nadatnan sa bahay. Ang masaganang buhay na
pinapangarap ko sa pamilya ko noon, ngayon wasak na. Umuwi yong asawa ko sa
probinsya nila, pilit kong sinusuyo pero matigas sya. Dun naman sa naging
kinakasama ko sa labas, pinutol ko narin ang ugnayan namin dahil higit na mas dapat naming
pagtuonan ng pansin ang mga pamilya namin.
Isang araw narinig ko
nalang na yong dating kasintahan ng misis ko ay nagpaparamdam na ulit sa kanya.
Natatakot ako nun baka gantihan ako ng asawa ko. Hindi ko mahawakan at madalaw
man lang ang mga anak ko, umabot narin ng ilang buwan na walang naging direksyon ang buhay ko.
Kung paano ako
nagtaksil, ganun rin ang pagbabayad.
Hanggang ngayon pilit
ko paring tinatama ang mali ko, nung isang taon pa kami nagkahiwalay ng misis
ko ‘january’ at ngayon ipinagdarasal ko parin na maging maayos na ang lahat. Sa
awa ng Diyos hindi rin naging sila ng misis ko at ng ex nya.
Pasensysa na, this isn’t a love story with beautiful
and colorful endings but my story hasn’t ended yet, habang may buhay, I know I still
have all my life to correct my mistakes. I won’t give up on this marriage
easily. I have committed my sins and there’s no way I won’t be paying for it,
hanggang ngayon pinagbabayaran ko parin at tanggap ko yon.
Hindi na ulit ako
lumabas pa ng bansa, kaya naman pala akong i-hire ng mga employer sa Pilipinas,
hindi gaano ang sweldo bilang web designer pero mas magaan sa loob. Pero mas
magaan sana kung andito ang pamilya kasama ko. Hindi ko sinasabing
pagnagtatrabaho ka sa Pinas eh wala ng temptasyon, mali,kahit saan naglilipana
lang yan. Ang naging kulang na kulang ko lang is the “Faith” and “Pray” kaya
siguro naging marupok ako ng minsan.
Marriage isn’t a play;
once committed, it must be taken cared forever. Never fail to seek for HIS guidance,
dahil dito ako nagkulang. Marriage is sacred, and no one is entitled to play
with it and file annulment when you two get no good with each other. Never ask
for marriage for shallow reasons. Keep it ‘coz it’s the greatest blessings and wealth
we’ll ever have, not the money.
Source:
J.L.
Pray for the best to come. Win your wife's trust.
ReplyDelete